Thursday, May 18, 2006

laglag to the nth level!

nampucha naman!kelangan bang lagi na lang ako malaglag?!

last night, i was talking to pareng elke.umamin ako sa kanya.sabi ko, crush ko yung friend niya na classmate ko. nung nagkita kami last time ni elke, i was surprised to see elke talking to my crush. swerte. pinakilala pa saken ni elke at nakakwentuhan ko pa. kilala niya na ako!ayos. anyways, so yun, sinabi ko nga kay elke na crush ko barkada niya. as always, ang protective kong kaibigan, sinabihan ako na it should be hanggang crush lang. "multitasking" daw kasi e. i told him i knew it all along naman. kasi naman, right after class, cellphone na kagad ang hawak (parang ako hindi!haha!). so yun nga, alam ko naman na hanggang crush lang dapat. and dont worry pareng elke, i'd take your advice this time. i should have listened to you matagal na.haha!

kinabukasan, ayos!nagkapalit kami ng seat ng classmate kong si maris.ganda ng view.saktong sakto siya ang kita ko.and nagrecite pa siya!i took my eyes off my phone for a minute para kunwaring nakikinig (wahaha!). nice talaga!

right after class,naglalakad kami sa corridor sa BA 3rd Floor, si maris nagstalk.tiningnan yung list of students sa class namin. hinanap ang name ni crush namin (na apparently kapangalan ni sunshine!) at sabay sabi, "01 (o-one) pala siya.." e si ako, daldal e. sabi ko, "oo nga, barkada siya sa highschool ng friend ko e.01 yun." at naknangtokwa, nakita ko sa peripheral vision ko, right behind us lang pala siya! malamang, he heard us!e hello! wala namang 01 na iba sa class namin kundi siya! (heto na ang ka-dorkyhan to the nth level ko)

ang ginawa ko nung nakita ko?

napatingin ako sa kanya, at napatingin siya saken (at malamang ang obvious na siya ung pinaguusapan), napatigil ako sa pagsasalita, napahawak bigla sa arm ni aji (gusto ko sana isignal na asa likod siya, kaso i think i lost my tongue that moment), at, NAPATAKBO BIGLA!!! pakshet talaga e! as in mabilis na takbo na parang nakakita ng multo. i was trying to seek refuge dun sa may coop. kaso walang pakisama yung mga kaibigan ko. balak ko sana, kunwari, may hinahabol ako sa coop. nampucha. habulin ba naman ako ng tukso ng mga naknangtokwa kong mga classmates! "uuuy!dalaga na si levs!" gusto ko lamunin ako ng lupa sa kahihiyan! but wait there's more!

e di asa coop na kami, tiningnan ko if the coast was clear. wala siya. nagsimula na naman ang chika about kay crush nang bigla siyang pumasok. bigla ako napatalikod. hayop tong sina fayme at maris, hirit na naman ng "dalaga na si levs!" naman! mga walang pakisama e! at ayun, lumabas na si crush.

akala mo tapos na ang kadorkyhan ko?! hindi pa!

e di naglalakad kami sa 3rd floor no, at hala sige! daldal pa rin ng tungkol sa kahihiyan ko a while ago. walang pakundangan. di naman namin nakita nina maris si crush e. lakas ng boses namin. e anliit lang ng 3rd floor. wala na masyadong tao pati. kami na lang. so daldal lang. nung pababa na kami sa stairs to 2nd floor, nagjoke ako, "tapos anjan pala siya e no?haha" at sabi ni fayme, "anjan nga. andun sa back lobby kanina." napatigil ako sa paglalakad.as in!kundi ba naman bruha tong si fayme, hindi man lang kami sinabihan nina maris na hinaan man lang ang boses dahil anjan!hayop talaga!nanlalambot nako sa kahihiyan, mas lalo pang nanlambot. feeling ko, jelly na yung knees ko e! grabe talaga tong si fayme! mali-mali ng ginagawa, nung tumakbo ako, hinabol ako ng tukso. tapos nung kelangan naman magwarning na anjan si crush, nanahimik! maraming salamat fayme!grabe!

sinabi ko kay elke yung nangyari. pinagalitan ako. i deserve it. i lost my composure (na naman). at hayop yung si crush! katext pala si elke nung moment na katext ko rin si elke, pinatatanong saken kung may number daw ako ng 3 naming classmate na babae!hayop!tibay.laglag na nga ako kanina sa kanya e, kapal pang hingan ako ng number ng iba! tae talaga e!bwiset!

lech.nanlalambot pa rin ako hanggang ngayon.

LSS:
'Cause with you, i'll withstand
all of hell to hold your hand
I'd give it all, i'd give for us
Give anything but I won't give up
Cause you know, you know, you know,
I love you
I have loved you all along

No comments: